1. Nobody really cares if you’re miserable, so you might as well be happy.
     


  2. Eh

    "Everything happens for a reason."

    Sobrang gasgas na talaga, paulit ulit na sinasabi, pero yan talaga lagi ko tinatatak sa utak ko. Pero minsan darating sa point na, ganun ba talaga. Nakakasawa ng isipin. Lagi ko iniintindi mga bagay, nakakasawa na maging emotional sa totoo lang pero ano magagawa ko, kasama sa buhay yun. Di naman totally talagang ma drama, lagi nga ako masaya. Pinipilit kong laging magmukhang masaya kasi pag malungkot tatanungin kapa nila ano rason eh nakakasawa mag explain, so smile smile nalang.

    Sabi nila may mga bagay sa mundo na akala mo yun na ang pinaka matinding nangyaring sa buhay mo, pero di natatapos dun yun kasi may mas grabe pa na pwedeng mangyari.

    Last week, dun ko naramdaman yung pinaka malungkot na nangyari sa buhay ko. Pinaka matinding pag sisisi sa ginawa kong desisyon. Desisyon na nabuo dahil naiipit ako sa sitwasyong di ko inexpect na mararanasan ko. Hindi lang kung ano yun, sobrang importante sakin non. Dun nakasalalay magiging future ko. Sobrang daig ko pa nakipagbreak sa boyfriend na may relasyon ng 10 yrs. lol oa na pero ganun talaga pakiramdam ko. Ang hirap lang. Never akong umiyak sa harap ng madaming tao, pag naiiyak na ko lagi akong nagsosolo, pero yung araw na yun nag bumigay na talaga ako, di ko kinaya at nailabas ko lahat sa harap ng madaming tao, nakakahiya, di lang ata iyak yun, hagulgol na. Buong umaga ko pinigilan yung iyak ko pero tumutulo pa din siya, pero kalmado naman ako, pero nung tanghali na di ko na talaga nakayanan.

    Ganun kalaki ang epekto sakin ng desisyong ginawa ko. Yes choice ko yun, pero alam mo yung ipit na ipit kana sa sitwasyon na di naman talaga dapat yun yung desisyon mo eh pero wala kang magawa kaya ayun ang pinili mo. Ayokong manisi ayokong manumbat dahil sobrang mali nun. Sobrang mali. Pero okay na, tatanggapin ko nalang. Tanggap ng tanggap kahit nakakasawa.

    At ngayon, may nalaman pa ko na good news para sa iba na dapat mangyayari din sakin kaso never na mangyayari dahil sa desisyon ko. Magiging masaya na lang ako para sa kanila. Isipin ko nalang bata pa ko at pwede pa siguro magbago ang lahat. Balang araw mapupunta rin ako sa katayuan nila.

    Hello nga pala Tumblr, pasensya na lagi lang kitang naaalala kapag may problema ako. Bukas, Linggo, aalayan kita.

     


  3. 10 Things I had to learn by myself (my mother never taught me):

    i. Blame the person who hurts you, not yourself. Never blame yourself for not being what they wanted or not being “good enough.” You are made with perfectly flawed traits, stitched together to be loved unconditionally.

    ii. Not everyone you love will love you back and the people who do love you, you won’t always reciprocate the feelings. But that doesn’t make them or you a bad person. You can’t love everyone and not everyone will love you. I refuse to blame the people that can’t find it in their soul to give me what I give them. I don’t give to get back. I give because I want to and because I can.

    iii. Don’t let one person tell you negative things about yourself. One opinion out of a million does not make you who you are. No one paints a masterpiece for you, you are the art piece. You make who you are. You are the artist.

    iv. Don’t ever settle. People always feel safer with things that they are used to and comfortable with instead of seeking for the heart pounding feelings and moments that take their breaths away. I never want it to be easy; I want it to be hard to breathe and suffocating when I give something my all. I want to learn how to survive through that.

    v. Learn how to say no. No, I do not want to dance with you. No, I do not want to kiss you. No, I do not want to date you. No, I do not want to do this. No, I do not want to do that. Because that does not make me happy and that does not make me feel comfortable, so no. And I don’t need to give you a reason nor do I need to make up an excuse to say “no.”

    vi. There are different kinds of people. Don’t always catergorize people in groups because people are not meant to be labelled. Just because one person hurts you, does not mean the ones in the future will. Just because one person holds a knife doesn’t mean the next one will use it. There is good out there; there is good in the world and there is good in people. Not everyone is a monster. I strongly believe that majority of the population is good.

    vii. Do not let the past prevent you from living in the future. Do not let the pain and hurt take over. Don’t close yourself up to others just because you have been broken before. Never allow the demons of yesterday to control the beauty that is to come in the future. Vow to never allow it to always be stormy for the sun does eventually shine down on all things beautiful. I am beautiful, and so are you.

    viii. You can swim across the world for someone but they might not even step outside in the drizzle for you. Even if you hold the umbrella for them.

    ix. Never give someone the power to rid you of yourself. Don’t ever fall out of your routine or lose who you are permanently. That is so important.

    x. Love yourself. Learn to love the birthmark on your face, the chipmunk cheeks, the thighs that jiggle when you walk, the nose you think is too flat, and your fingers that are too short. Learn to appreciate your almond shaped eyes, your skin color, the thin hair that doesn’t grow fast, the beauty mark above your lips, and the small gap between your teeth. Learn to love your sense of humor, your laughter, your emotions, your tendency to trust easily, and how happy you always are. Learn to love the way you love others deeply, how you sometimes fear being lonely, the way you enjoy walks alone, and the radiance in your soul. Learn to love yourself at 3AM when you cannot sleep and can only think of the skeletons hiding in your own closets and learn to love yourself at 3PM when you are cranky and unable to get out of bed. Learn to love yourself and come to terms with the fact that you are you, and that will never change.

    — Ming D. LiuA Story A Day #147 (via mingdliu)

    (via ohpatrick)

     

  4. all-i-adooore:

    Gong Yoo for Discovery Expedition S/S 2014 (2/3).

    (Source: www.couch-kimchi.com )

     

  5. fashionstyle-korea:

    Gong Yoo - Discovery Expedition S/S 2014

     

  6. fashionstyle-korea:

    Gong Yoo - Discovery Expedition S/S 2014

     

  7. mariavivien:

    (10)

    February 17, 2014

           10th Day of my Little Infinity w my super ganda and sexy na close friend, Angelica Valdecañas. Sa totoo lang, kahapon pa kami magkasama neto e. Masyado kasi naming namiss ang isa’t-isa. Kahapon, nasa Infinitea rin kami. Pinuntahan nya ko dun. Umuwi na kasi si Eunice kasi magsisimba pa sya ng 5pm. Ang alam ko rin magsisimba ‘tong sexy na to e. Di lang natuloy kasi dahil sakin. Hahahaha. Sweetest! But Sorry Lord. 

           Ngayon, Feb 17, nagkita kami ulit. Sa Rob, pinuntahan ko sya after ng class ko ng 4pm.  Tas dumiretso nakami sa terminal. Papuntang Abucay. After don, umuwi nakami tas naglakad papuntang plaza. Nagpunta kung san san kasi may hinahanap kami. SI Mr. Right. Jk. Hahaha. Nagkayayaan kami kumain kasi sobrang gutom nakami. Kumain kami sa gotohan slash carinderia. Ngayon nalang ulit kami kumain jan. Nakakaumay na rin kasi yung laging fastfood. Pero feeling namin mas tumaba kami dito. Naka dalawang kanin ba naman e! Hahaha. DIE-et daw kami. Anyareh. Hahaha. Naimbyerna pa kami ng onti jan  e. Kasi… yon. Hahaha. Nakakatuwa pa yung number namin, 25. Katapat naming table, couple. Sige sila na. Basta kami, busolve. Hahaha. Namiss ko tong sexy na to. Siryoso. Artistahin e. Di mahagilap. Di kami naubusan ng kwentuhan. LOL like anong bago dun. Magkikita pa ulit kami nyan sa Sunday. Never kami nagkasawaan nyan. Hahaha. Love na love ko yang ate ko na yan. Pero alam ko someday, may mr. Love na yan. Hahahaha. Love you forevs, bitchocha. Mwaa! So much love for you ate Gel. Thanks for everything! 

    So, kahit haggard na haggard at mukhang madami akong pinagdaanan sa mga litrato na to, ire reblog ko pa din. Nakakahiya naman kasi sayo na hindi mo pinost yung nasa infinitea tayo, sobrang ganda pa naman ng lighting don. Hahahaha, pero seryoso thank you sa post mo na to. Sinama moko sa chorva mo na to. Naappreciate ko ang effort mo, nakakatuwa kang bata ka kahit minsan pinagalit moko sa sobrang kakulitan mo. Pls wag mo na ultiin yun! Haha thank you din sa lahat kahit ang hirap ko hagilapin, alam mo naman ako, artista nga diba hahaha kaloka, Sana mameet ko ulit yung nakita natin kanina. Jusko pero feeling ko babaero eh kaya wag na lang. Malay mo nanjan lang sa tabi tabi yung ano diba hahahaha assuming hayst. Malapit na birthday mo, ano na.. Thanks vivien! Love you!

    (Source: mariaavivien)

     

  8. Johnny Depp + movie posters

    (via deppody)

     


  9. fake-mermaid:

    do you ever frown so much and you don’t actually realise you’re doing it but then when you do you relax your entire face and it feels like your face has finally been pulled apart idk

    (via manda)

     


  10. Sa sobrang intense, di ko na mapindot yung capslock

    (May nagtext)

    "Good evening po. Pakisundo na po si Seifer, late na po. Siya na lang po tao dito sa school. Thanks po." - sms from Teacher Flor, 6:24 PM

    Nasa bahay ako ng pamangkin ko that time, binasa ko yung text at sinabing, “Imposible, nasundo na ni Nanay yun kanina pa. Baka kanina pa to tinext, hindi ngayong 6:30 na.”

    (May nagtext ulit)

    "Pakisundo na po si Seifer, umiiyak na po siya. Wala pa po Lola niya. Ala sais na po, siya na lang tao dito. Teacher po ni Seifer to."

    Pa reply na ko ng biglang magtext yung 8888, pota di na ko unli, wala pa kong extra load. Fak. So sinabi ko sa pamangkin ko nangyari, sinabi niyang imposible talaga yun. Imagine 3:30 labasan nila Sei, laging sinusundo ni Nanay yun, kung hindi, ipagbibilin niya dahil may pupuntahan siya.

    "Baka lumuwas si Nanay? Na traffic lang!"

    "Baka nag deliver ng pastillas si Nanay?"

    "Bat ang tagal! Gabi na! Walang pinagbilin!"

    "Imposible! Napaka imposible talaga!"

    "Hindi pa nangyayari to, umuwi ka na!"

    "Puntahan mo si Nanay baka ano na nangyari dun!"

    So lumabas ako agad, sinamahan ako ng pamangkin ko mag abang ng trike sa labas nila. Poker face lang kami. Hinaharang ko na mga trike na walang sakay, sumisigaw na ko ng

    "Kuya, sa Montessori!!!!" Buti nakasakay ako agad.

    Ang bagal ng takbo ng trike. At bigla lang huminto sa tabi, sinabi na pasensya na daw at sumakay na lang ako sa iba. Hindi niya daw naintindihan sinabi ko kung saan ako nagpapahatid, hindi daw pala dun destinasyon nya, bigla na lang daw kasi ako sumakay.

    Bumaba ako, nag abang ulit, ang tagal. Lahat ng dumadaan may sakay.

    May nakita akong trike na may sakay pero walang sakay sa likod, pinara ko agad, sabi ko,

    "Kuya Montessori lang pls lang"

    Tapos bigla na kong sumakay sa likod.

    Naunang bumaba yung sakay sa loob, sabi nung driver dun na ko sa loob, sabi ko

    "Kuya wag na, pakibilisan nalang may hinahabaol lang, salamat."

    Yun na ata ang pinaka matagal na byahe na naranasan ko sa buhay ko.. Nangangatog na ko.. Gusto kong umiyak pero kinakalma ko sarili ko.. Gusto kong sumigaw pero di ko kaya.. Ang dami kong naiisip sa mga panahon na yun.. Si nanay.. Ano nangyari kay nanay.. Mag isa lang siya sa bahay.. Bakit kasi nagtampo pa ko sa kanya at natulog ako sa bahay ng mga pamangkin ko.. Bakit hindi ko siya kinikibo nung mga nakaraang araw.. Ayoko ng ganto.. Bakit naging ganto.. Nakakapagsisi.. Pano kung nabaldog si nanay habang naliligo.. Pano kung biglang nadulas si nanay sa silya habang nagsasampay ng damit.. Pano kung bigla na lang siyang nahimatay sa sobrang init dahil luma na electric fan namin.. Pano kung di na niya nakayanan kasi lagi siyang maagang nagigising at napagod na siya kaka asikaso samin.. Pano kung nakatulog siya at di na nagising..

    Sobrang pagsisisi ang naramdaman ko nun. Nakaka guilty. Kaming tatlo nalang ni nanay at seifer magkakasama sa bahay pero bakit kasi nung mga panahon na yun eh nagtampo pa ko dahil napagalitan ako nung isang araw.

    Tanggap ko na anytime pwedeng may mangyari sa nanay at tatay ko dahil sobrang tanda na sila. Ang hindi ko lang matatanggap, eh yung mawawala sila na hindi ko sila kinikibo before sila mawala. Na may galit o tampuhan pa, lalo na, na wala ako sa tabi nila na dapat nandun ako ng mga panahon na yun..

    Nakarating na ko sa school ni sei, bigla akong tumakbo sa loob, tinanong ko yung isang guard,

    "Kuya nasan si sei? Yung naiwan dito na estudyante, yung kanina pa naghihintay."

    "Hinatid na nung isang guard sa bahay niyo, kakaalis lang."

    Tumakbo agad ako, bigla akong tumawid, tapat lang bahay namin sa school nila sei, kaso may eskenita pang dadaanan.

    Tumatakbo na ko, nagdadasal na ko, wala pa rin akong pakiramdam, halo halo nararamdaman ko.

    Pagpasok ko sa gate, bukas ilaw sa loob..

    May bigla akong narinig na nagsasalita..

    Si nanay..

    Si nanay..

    Si nanay.. Nandun si nanay, bigla akong pumasok, nakita ko siya.. Naabutan ko si sei at isa kong pamangkin, sinundan pala ako ng pamangkin ko, nagmotor siya, naunahan niya pa ko, dumiretso siya sa bahay dahil nag alala nga din sila kay nanay..

    "NAY SAN BA KAYO GALING?????!!!!!!!!!!!!!!!!"

    "Nagdeliver ako, ang tagal nung bayad nila, sabi maghintay na ko sa kanila. Binilin ko naman sa isang guard si sei na baka late ko na masundo si sei, ngayon nga lang nangyari to, sabi ko babalikan ko na bukas, sabi wag na at baka di ko pa masingil. Kaya hinintay ko na, kampante naman ako kay sei kasi nasa school naman siya at kilala ko yung guard at ibang teachers dun."

    Bigla nalang akong humagulgol. Nagulat si sei at isa kong pamangkin. Hinding hindi ko pa nagagawang umiyak sa harapan ng magulang ko, minsan yung naiiyak lang sa palabas pero madalas sinosolo ko pag iyak, ngayon lang ako humagulgol sa harapan ni nanay. Natatandaan ko kanina na wala akong pakiramdam, madami ako naiisip. Pero nung nakita ko si nanay at nagsalita, bigla nalang akong sumabog, para akong batang iyak ng iyak at humihikbi.

    Dun ko naisip na hindi ko kayang mawala si nanay ng ganun ganun nalang. May samaan ng loob. Yung dapat kasama ko siya pero wala ako sa mga panahon na yun. Ang sakit sa dibdib, hindi ako makahinga. Ngayon lang nangyari to. Ang tagal kong umiyak, dami kong naiisip, dati pag nakikita ko si nanay, okay lang, pero nung naramdaman ko yung ‘biglaang pagka-late niya ng uwi’, dun ko naisip lahat.

    Nanay salamat sa lahat, na aappreciate kita noon pa man pero minsan binabalewala ko mga ginagawa mong pag sasakripisyo samin. Ngayon ko naiisip na bakit kelangan ko pa maranasan yun para lang mas ma appreciate kita at pahalagahan pa lalo.

    ———————————

    Nung kalmado na lahat, tinanong siya ng isa kong pamangkin,

    "Bakit ba kasi di kayo nag bibilin? Hindi kami nag aalala kay seifer, kayo inaalala namin, baka napano na kayo dito, kung ano ano naiimagine namin, may cellphone kayo di niyo dinadala. Nako nay grabe kayo mag pa alala. Jusko nay. Tignan niyo si ta angel 1st time umiyak, pang Oscars, daig pa si Tom Hanks eh!"

    Mahal na mahal ka namin nanay pati tatay, sinasabi ko naman sa inyo ng personal yun, pangit kaya sa text tsaka di kayo marunong magbasa ng text eh, pang call lang, magastos. Joke lang.

    Salamat nanay at late ka lang umuwi..

    ———————————

    Dun ko lang din na realize na, butas butas pa pala shorts ko at di na nakapagpalit, buti nakapag bra pa ko, pero okay lang wala din naman babakat, di din ako nakapag kilay, yung bangs ko nawala na, lumipat na sa kabila. Pero okay lang lahat yan syempre, gabi naman.

     


  11. i was havin a great time until i remembered that i was ugly

    (Source: antiteen, via xiyinq)

     


  12. (12pm na!)


    Employee: Bumalik na lang po kayo. Lunch break na. Pumila na lang ulit kayo mamayang 1pm.

    (Bulungan, mga nakasimangot lahat)

    Ako: Eh para saan ho yang poster niyo na yan?
    Mga nakapila: Oo nga oo nga
    E: …
    A: Ang laki laki oh. Nakalagay NO NOON BREAK.
    E: Hindi pa po kasi kumakain ibang employees. Bumalik nalang kayo ng 1pm.
    Isang babae: Eh pano yung pila namin? Ni wala nga kayong number na binibigay.
    E: Pila nalang kayo ulit mamaya.
    A: Ha? Eh pano paghihintay namin dito? Tsaka kasalanan ba namin na di pa kumakain yung ibang employees?
    E: …
    A: Eh diba automatic pag may ganyang poster, dapat may shifting kayo kung sino na kumakain ng maaga para siya papalit ng 12 to 1. Grabe ha.
    Mga nakapila: Oo nga naman.
    Bading: Go Girl!
    A: Ginagawa niyo pang tanga yung mga tao. Ano yan, di nababasa. Sana di niyo na lang nilagay yan. 
    E: (Walk out)
    B: Ay si teh nag walk out!
    (Tawanan lol)

    (May paparating na employee.. Kapalit nung nasa counter.. Nakasimangot)

    B: Ay teh kung sisimangot ka lang, umalis kana diyan!
    E: (Poker face)

     

  13.  

  14. thefuuuucomics:

    YES

    (Source: )

     

  15. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako sa twing nakikita ko yung iba na may lovelife. Pero mas nalulungkot ako pag nakikita ko na yung mga gusto ko (madami eh, hahaha) eh may lovelife na din at ang mahirap pa dun, hindi babae ang karibal ko. Okay, ayun na yun. Ang dami ko ng nakikitang mga ganun at okay lang naman sakin yun. Pero shet, nauubusan nako! Magpaka tomboy na lang kaya ako? Parang dun pa ko may pag asa. Nahihirapan na talaga puso ko. Sa totoo lang, kinikilig din ako pag nakakakita ako ng magkarelasyon na katulad nila. Nakakatuwa din eh. Ang galing, pero punyeta mapapaisip ka din talaga. Imbis na ikaw yung nakikipaglandian, ikaw napag iiwanan eh. Hahaha

    Okay tapos na, sa mga kaibigan ko nga pala na beks diyan, aba naman, mamahagi kayo. Wag kayo gahaman, please lang.

    (via thathilariousasian)