Kaya simula ngayon, kung di talaga kailangan, wag ka manghingi ng tulong sa iba mapa materyal o emosyonal man yan.
(Source: missmanhater)
Kaya simula ngayon, kung di talaga kailangan, wag ka manghingi ng tulong sa iba mapa materyal o emosyonal man yan.
(Source: missmanhater)
Bukas na. Haharapin ang katotohanan. Kakausapin ang mas nakakaalam. Magdedesisyon. Pagagalitan. Sesermunan. Okay lang. Tanggapin na walang patutunguhan kapag nagmaktol.
Tanggapin na ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maagawan ka.. Lumaban ka! Lol. LITERAL TO! NABUDOL BUDOL KA BA NAMAN EH. Hahahahahahahaha! Tengine, paghihirapan ko yung 53K na nawala. Paghihirapan ko na wala akong mapapala.
Lord, gabayan mo ko. Salamat po.
(Source: missmanhater)
May 15, 2012
Yes! Last day ko na sa pinagtatrabahuhan ko! Makakaalis nako! Makakapag pahinga na ko! Maaga na ko makakatulog! Makakapag focus na ko sa tunay kong pinag aralan. Actually, iba kasi kinahinantan ko sa napag OJT-han ko eh. Dapat diba pag mag o-OJT ka, related dapat sa course mo? Ganun naman nangyare sakin. Pero.. wala. Naging iba din. Napunta ako sa Sales at naging Accountant ako ng wala sa oras. Sa una mahirap sakin. Parang ang sakit sa kalooban. Ano ba tong napasok ko. Bat ganto. Pero nung mga sumunod ng linggo, naging maayos at naging masaya naman ako. Kasi mabait naman Boss ko at yung mga ibang katrabaho ko. Yung tipong malilimutan mo na di na pala related sa course mo yung pinasok mo.
Lumipas ang limang bwan, natapos na OJT ko. Sobrang haba kasi eh. 486 hours. Ilang araw na lang bago matapos OJT ko, may biglang nangyari. Nanakawan/Nasalisihan ako ng Netbook worth 13,500. Ito yung kwento non, na-post ko na dito dati yun. Bali yun na nga, dahil sa nangyari na yun, nahiya na ko umalis. Kahit di ko kasalanan at di naman sinasadya, mahihiya ka pa din diba kasi wala ka namang binayad o pinampalit sa nawala dahil wala kang pera. Parang nahiya kapang umalis dahil di na pinabayad sayo yung nanakaw. Yung tipong nagkaroon ka ng utang ng loob kaya nagtagal ka pa dun.
Pero simula nung pumasok ulit ako kinabukasan, may sahod na ko. Kasi tapos na OJT ko. Ilang bwan din nagtagal yun. Ilang bwan na di ko namalayan na yung ginagawa ko eh wala na talagang konekta sa course na tinapos ko. Naaawa ako sa sarili ko na di maintindihan. Bat naman ganun diba? Pero ganun ata sa simula, sa sobrang hiya mo sa nangyari, tatanggapin mo na lang. Tsaka di naman pinabayaran sakin yung Netbook eh, kaya kumikita naman ako.
Nung dumating yung April, sabi ko aalis na ko dun. Di ko na kaya. Nahihirapan na ko dahil sa oras ng pasok at pag-uwi ko. 10am-9pm eh. Sa Mall kasi yun. Di ka pwede ma-late kasi may penalty. Tsaka sobrang late na ng uwian. Talagang nagkakasakit na ko. Yung sinusweldo ko eh napupunta lang sa pagpapa check-up ko. Sumasakit dibdib ko dahil lagi ako puyat. Kahit humiga ako ng mga 10pm, lagi ako nakakatulog ng 3 o 4am. Hirap na hirap akong gumising. Pero pipilitin ko. Ang sakit sakit ng katawan mo, sakit ng baga mo. Yung tipong tuyong tuyo ka dahil puyat ka. Hirap talaga eh. Nagdesisiyon na talaga ako umalis non at sabi ko mag-aaral pa kasi ulit ako. Pero nagtagal nanaman ako kasi may mga di pa ko tapos na report.
Bali May na. Eh ano pa ba gagawin ko, dapat pag aalis ako wag alanganin. Dapat May 15 o May 30 nako umalis. Ayan, May 15 na. Pumasok na ko sa trabaho. Sakto lang mood ko nung umaga na yun. Mga ilang minuto lang pagkatapos magbukas, may pumasok na babae, nagtanong ng Laptop. Siyempre nilabas nung kasama ko, pinakita niya sa Client. Siya nag sales talk. May ginagawa kasi ako nun eh. Bali ayan, ang tagal niyang tignan yung item. Mamaya may tinawagan siya, kausap niya daw anak niya. Nagtatanong pa ng Macbook Pro. Pati iPad2. Eh meron din kaming iPad2 na stock non, bali ayan. Gusto daw makita ng anak niya, di lang makapunta sa mall kasi nagbabantay daw sa tindahan nila. Na sure na daw bibilin yung isang item kapag nakapili. Ganun, ganyan. Boss namin kilala niya, yung may-ari kilala niya, kapatid nung may-ari kilala niya, mga employee kilala niya, LAHAT kilala niya.
Sa sobrang galing niyang magsalita, kami ang na *sales talk* niya imbis na siya. Dapat yung isang kasama ko ang sasama sa kanya sa labas kaso sabi ko ako na lang dahil mas bata sakin yung kasama ko. Kinutuban na ko nun. Pero bakit sumama pa din ako sakanya. DALA YUNG ITEMS.
So, nung nasa labas na kami ng store. Hawak ko yung items na nasa plastic. Malamang di ko ibibigay yun ng di pa siya nagbabayad. Hanggang mamaya nakita ko na lang na nasa Public Market na ko ng lugar namin. Nakaupo sa bench at wala ng hawak. WALA NA KONG HAWAK NA PLASTIC AT WALA NA YUNG BABAE. WALA NA. WALA NA!
TANGINA, BAT AKO NAPUNTA DITO? ANO ANG GINAWA KO? ANO NANGYARI? NASAN YUNG DALA KO? NASAN YUNG ASUS LAPTOP (i3, 500GB HDD, 4GB RAM, 2GB VIDEO CARD) AT iPAD2 (WIFI/3G 16 GB)????!!!!!!!!!!!!!!!!!
TANGINA TALAGA. SORRY SA PAGMUMURA PERO EWAN KO, GUSTO KONG PATAYIN YUNG BABAE. Grabe, di ko alam gagawin ko nun. Di ko alam bat nangyari yun.
Basta naramdaman ko nun nung natauhan na ko eh, ang sakit ng ulo ko. Nahihilo ako. Parang may sumanib sakin tapos bigla lang ako bumalik sa katinuan ko. dun lang pumasok sa isip ko na NABUDOL BUDOL ATA AKO. OO, NABUDOL BUDOL NGA AKO. GANTO YUNG MGA NAPAPANUOD KOSA BALITA. TANGINA NABUDOL BUDOL AKO.
ANO YUN? NAWALA AKO SA PAG IISIP KO? NA HYPNOTIZE AKO? TANGINA TALAGA. NATANGAY YUNG PUTANGINANG IPAD AT LAPTOP WORTH 53,OOO. FIFTY THREE THOUSAND PESOS, FIF-TY-THREE-THOU-SAND-PE-SOS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
KASALANAN KO! SUMAMA AKO! DAPAT PAG MAGBEBENTA SA LOOB LANG NG MALL DIBA? EH BAT NGA AKO SUMAMA? INIISIP LANG NAMIN BENTA! TANGINA. NAPAKATANGA KO. ANG TANGA TANGA. MULALA.
Wala ako pamasahe pabalik. Wala akong ka pera pera. Pano ako makakabalik ng mall. NALAKAD ako mula Public Market hanggang Mall. Napakalayo non. 30minutes ata ako naglalakad ng tulala at di malaman ang gagawin. Awang-awa ako sa sarili ko. Umiiyak ako sa daan. pero di pahalata. Nakakahiya yon eh. TANGHALING TAPAT yun, napakainit pa. Gusto ko na magpakamatay.
Nakabalik ako ng mall. Nandun din yung isa kong classmate. Akala nga nila nakabenta ako. Pero wala akong dalang pera ni singko. Bigla nalang akong humagulgol sa harap nila. Nagulat sila. Di rin alam bat ganun. Kinuwento ko lang nung nahimasmasan na ko. Pero napag-desisyunan ko, na wag muna sabihin sa Boss namin. Alam kong mali yun. Pero ang balak ko kasi eh manghiram sa kakilala ko. Kahit imposible. GAGAWA AT GAGAWA AKO NG PARAAN PARA MABAYARAN YUNG 53,000 NA YUN. Ayoko na kasi makarinig ng anumang usap. Di ako handa sa magiging reaksiyon nila. Duwag ako sa kahahantungan ng sitwasyon. Pangalawang beses na to. At alam ko kasi na sa simula pa lang eh kasalanan ko na. Inisip lang na makakabenta pero di iniisip na pwede ka na palang gaguhin.
Nung araw na yun, tinawagan ko lahat ng pwedeng tawagan, mga kaibigan ko. Umiyak sa kanila at nanghingi ng payo. Iisa lang sinabi nila.
“NAPAKATANGA MO! BAT KASI LUMABAS KA BITBIT YUNG ITEM??!!!”
“SABIHIN MO NA SA BOSS MO! PARA MALAMAN NA YUNG GAGAWIN!”
Pero di pa din ako nakinig, nagtanong tanong pa din ako sa mga kakilala ko. Pero 19 palang ako at wala akong kakilala o kaibigan na pwedeng magpautang sakin ng ganung kalaking halaga. May kakilala naman ako na Nanay na at pwede magpautang kaso wala siyang pera sa araw na yun. May kakilala naman ako kaso may tubo yun. BALAK KO NA NGANG PATUSIN YUNG MAY TUBO NA YUN EH!
Sa sobrang wala nako maisip na paraan, naisip ko ng magpakamatay nun. Pero naisip ko, gusto ko munang pumunta ng Korea! Tsaka mas mahal gastos pag namatay ako. Pero nung isang gabi, naglalakad ako at wala ako sa sarili. Na-realize ko lang na nasa gitna na ko ng daan. At eksakto may darating na truck. Ayoko na nga umalis nun para magpakasagasa na lang. Kaso biglang lumiko yung truck!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! WRONG TIMING! MAY KANTO PALA! HAHAAAHA! KAKATAWA.
Di ko pa talaga oras. Umuwi ako ng bahay ng napakabigat ng loob ko. Binungad pa sakin ng Nanay ko nun..
“Bat ngayon ka lang umuwi? Para kang lalaki! Gabing gabi ka na umuwi!!!!”
Sabagay, di ko naman siya masisisi nun dahil gabi na talaga ako nakauwi. Mag 12 na. Pero siyempre parang wala lang sakin. Deadma.
Ang hirap. Hirap itago. Pero nung kinabukasan, bigla na lang may kumatok samin. Pamangkin ko. (Na mas matanda pa sakin.) Nalaman niya yung nangyari at pinipilit niya ko na sabihin ko na daw sa Nanay ko. Umiiyak na ko dahil ayoko talaga sabihin. AYOKO.
Pero ayun, nalaman din. Nagalit siya malamang. Sa awa ng Diyos di naman niya ko sinaktan. Binato niya lang ako ng bimpo at tissue. Salamat sa kanya. Ala una na yun ng madaling araw, sabi ni Nanay na pumunta kami sa Boss ko. Nagpunta na kami dun at yun, iyak pa din ako ng iyak. Di ko alam sasasbihin ko. Nalaman niya na. Kinwento ng pamangkin at Nanay ko. Bumalik na lang daw kinabukasan at di ako makausap ng matino.
Sa pamangkin ko ako natulog, at hanggang ngayon nandito pa din ako. Di pa rin ako handang pumasok at harapin ang Amo ko. Siguro sa Lunes na lang.
Ang sakit ng puso ko. Bat nangyayari sakin yung mga gantong bagay. Lahat ng kamalasan nasakin na. Naniniwala na ko sa Chain na yan, yung sa pamilya, may isa at isa na mamalasin. Na lahat siguro ng swerte na nadadanasan ng isang pamilya eh may kapalit. At yung kapalit na yun eh yung kamalasan ko. Kung alam niyo lang, sa lahat ng napagdadaanan ko, daig ko pa yung mga kwento sa MMK. Sana di na lang ako pinanganak. Sana talaga. Kung ako yung nasa sitwasyon niyo, di niyo na papangarapin pang mabuhay. OA na kung Oa pero yun totoo eh.
Ang di ko lang matanggap. Nawalan ako ng mamahaling items. Na dapat hindi naman. Na dapat COMPUTER ANG INAASIKASO KO. NA DAPAT DI AKO NAGBEBENTA. NA DAPAT DI AKO MAWAWALAN O MABUBUDOL BUDOL. NA DAPAT WALA AKO SA MALL AT NAGPAPAKA TINDERA AT ACCOUNTANT DAHIL DI NAMAN YUN ANG TINAPOS KO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Sakit sa puso. Hirap tanggapin. At ngayon di ko alam ang kahihinatnan. Sinabi ko sa Diko ko ang nangyari. Tutulungan niya daw ako. Pero iba pa din. Baka di na ko makapunta ng Korea. Siya kasi yung nandun at siya na sagot sa lahat ng gastos ko. Dapat nga pupunta na kami ng Ate ko dun, pero mukhang dina matutuloy. Wala na pangarap ko. Di na natupad. May trabaho pa naman na naghihintay sakin dun. Eh ang balak pa ata eh pagtrabahuhan ko ng libre yung nawala na items. Ilang bwan ko yun? Tengine, gustong gusto ko na ngang umalis dun eh. Pano pag nawalan nanaman ako? TSAKA DI NGA RELATED SA COURSE KO YUN! AYOKO NG BUMALIK DUN! AYOKO NA PUMUNTA SA PUNYETANG MALL NA YUN!!!!
AT KAHIT KELAN, DI NA KO MAGTITIWALA SA KAHIT NA SINO. Panata ko na sa sarili ko yan. Haaay.
“Sa lahat ng may mga problema diyan tungkol sa pag-ibig at sa mga wala lang load, wag kayo mag inarte. Di kayo nawalan ng 53,000.”
Pero hindi eh. May mga taong may mas matindi pang problema kesa sakin. Pero @#$%^&! 53,000 pa din to eh. :’(
PAGHIHIRAPAN KO PARA LANG MAPALITAN.. NG WALA AKONG MAPAPALA.

So, last week, wala ako magawa. At ang tanging pumasok sa isipan ko eh K-POP. Ewan ko kung bakit. Pero alam kong adik ako pagdating sa mga Korean Movies at Dramas, pero sa K-POP? Hindeee!
Siguro dahil sa mga naririnig ko na, pag nagustuhan mo “daw” ang K-POP:
Pero, dahil nga wala akong magawa nung isang linggo, at Youtube ang nakasambulat sa pagmumukha ko, sinearch ko yung KPOP. At ayun, nakita ko yung kanta ng U-KISS, Doradora yung title. Pinanuod ko, at nagustuhan ko naman, catchy yung kanta eh. Tapos sinearch ko yung lyrics, okay naman.
Natawa pa nga ako nung una, DoradoratheExplorer naisip ko. K. Tapos yun. Lagi ko pinapakinggan. Pinrint ko pa yung lyrics. Araw-araw kong kinakanta. Pati yung Fantastic Baby ng Big Bang at Sherlock ng SHINee. =))
Okay, ako na Jejemon. Hahahha. Eto kauna-unahan kong nagustuhan na K-POP.
(Siguro yung iba lang na OA talaga sa KPOP yung ganun, dapat makinig din ng OPM)
(Source: missmanhater)
Teka, teka. Mukha bang Jejemon? Bwahaha! Grabe wala ako magawa. Pagpasensiyahan niyo na. Trip ko magpost ng picture ko. 1st time yan. Yung malapitan. Lol. Wala naman sa linya ko maglalagay ng pic sa net dahil I’m not megende, malaki pa eyebags and di marunong mag pose chuva ek ek ya know. Haha. Ewan ko bat trip ko. Trip ko ata malait ngayon. Hahahahaha.
Sana puro tuldok na lang mukha ko. Mas mukha pang makinis eh. Hahahahaha
03-25-12
Halos lahat ng kaibigan ko, alam nila na gustong gusto ko pumunta ng Korea. Matagal na, as in ilang taon na din. Pero ngayon lang ako nag “ingay/nabaliw” na pumunta dun. Sino ba naman kasi ang ayaw pumunta dun diba. Napakaganda ng bansa na yun. Mababait sila. Nakakabilib pagpapahalaga nila sa kultura nila. (e.g. KCC) Siguro dala na din ng kaadikan ko sa mga Kmovies at Kdramas. Galing din nilang umarte, at ang ganda ng mga storya nila eh. Pero sa kanta, wala pa ko alam, medyo di pa nauunawaan ng tenga ko ang music nila. Pero nakikinig na ko ngayon. Hehe.
Okay, so ayun. Sa mga kaibigan ko diyan sa FB, bingi na sila dahil sa pagpopost ko ng tungkol sa Korea. Nakikita nila at nasasaksihan lahat ng kabaliwan ko tungkol sa Korea. As in lahat sa Korea, pupunta na kasi ako dun pagkatapos kong gumraduate. Siyempre sa sobrang eksayted ko, nababaliw na ko ng tuluyan. Ang saya saya ko, basta di ako mapakali, pero pinipigilan ko minsan sobrang kasiyahan ko dahil baka maudlot.
Ayun, dalawang bwan akong nagkakanda-baliw dahil sa pagpunta dun. Tapos kagabi lang, napaisip ako. Basta ewan ko, na di nako pupunta. Na ayaw ko na. Na bahala na. Na madami pang dapat unahin kesa sa pagpunta dun. Na makakapunta ka naman dun kahit kelan, siguro di pa talaga ngayon. Dami pa dapat asikasuhin. Ewan, ewan. Di ko alam dahilan. Pero ewan ko, bakit ko pinipigilan sarili ko na pumunta dun. Nandun na eh. Ayun na oh! Andiyan na! Pupuntana ng Korea eh, tapos..
Tsssssk! Nasakin nga talaga problema, masyado malawak naiisip ko, na kung ano ano. Na di ko malaman na tama o mali, na ewan na oo o hindi. Nakakainis lang. Alam ko sa sarili ko na gustong gusto ko pumunta ng Korea, pero bakit biglang naging ayaw ko?
Ngayon ko lang naramdaman yung feeling na.. yung puso mo gustong gustong pumunta na sa Korea, tapos yung utak mo, eh sinasabing wag na.. wag muna ngayon.
Nakakaiyak, nakakabadtrip. Ang daming hadlang.
(Source: missmanhater)
03-07-12
Hay grabe! Di ko na makayanan to. Nababaliw na talaga ako. Ano ba dapat kong gawin? Hahahahaha. Pano ba naman kasi lagi na lang ako nakakakita ng Koreano ngayong mga nakaraang araw. Nakakaloka na talaga.
Kanina nagpaalam muna ako sa Boss naming na may ayusin lang ako, kasi di ako makaalis ng store. So nung dumating na yung kapalit ko, umalis nako. Nanguha ako ng Postal ID sa Post Office, malamang. Hahaha. Tapos eh di ayan. Nandun nako. Pinasa ko ng lahat ng kelangan para magawa na. Eh maliit lang office nila, bali nasa sulok lang ako. Nakatalikod pa. Tapos mamaya bigla ko na lang narinig na binati nung babae yung dumating. Pagkalingon ko, KOREANO! OMIGAD! Hahahahahahhhaa! Koreano nanaman! Nawindang nanaman ang katawang lupa ko! Hahahahaha! Nairinig ko na nagtatanong siya tungkol sa ano, basta yun na yun. Tungkol dun sa papel nila. Impeyrnes, magaling siya mag English.
Eh di yun na nga, parang di niya ma explain ng maayos dun sa babae kaya di din sila magkaintindihan. May iba pa kasi siya tinatanong pero basta, di niya mapaliwanag ng mabuti. Eh ako gusto ko sana siya tanungin kaso baka sabihin ng mga andun na masyado naman ako pakielamera. Eh di ayan, usap usap pa din sila. Nagsesenyasan na nga. Haha. Tapos pinaupo muna nung isang lalaki dun yung Koreano. Ako naman tumitingin sa kanya, pasimple lang naman. Hahahha.
Tapos nung di na sila nag uusap, bigla ko siya binati, eh eksakto nakatingin siya. Sabi ko..
“Anyeong Haseyo!” (Good Afternoon!)
Malamang yan lang naman saulo ko eh. Hahahahaha! Tapos nagulat siya! Kasi ako lang nag ganun sa kanya dun eh. Haha, tapos yung ngiti niya di ko maexplain. Sobrang ngiti na as in ngiting ngiti na hanggang batok. Hahahahahahhah! Assuming na kung assuming pero yun ang totoo! Eh kahit siguro ako nasa lugar niya. Matutuwa talaga ako ng bongga. Tapos kunwari ako parang wala lang. Ngumiti lang din ako. Pasimple. Baka kasi isipin niya na patay na patay ako sa mga Koreano. (Pero totoo naman! Bwahahaha!) Gusto ko ng sumabog kanina, hanep! Pero pasimple lang talaga ako, parang wapakels lang. Tapos, alam mo yung ano. Kahit di ka tumitingin sa kanya, nakikita mo pa rin siya, yung nakikita mo ginagawa niya. Eh ako kasi nakaharap sa kanya kaya ayun. Nakikita ko tumitingin tingin siya sakin! HAHAHAHAHHAHHA AKO NA ASSUMING PERO TOTOO TALAGA. Siguro nga dahil marunong ako mag Hangul. Hahahahaha!
Tapos dumating na ulit kausap niya, ung babae. Di nanaman sila magkaintindihan.Tanungan sila ng tanungan. Tapos may sinabi yung babae, tapos sumagot yung Koreano, english, may sinasabi sabi siyang reason chuva ek ek. Tapos di maintindihan nung babae. Eh ako nakikinig lang. Eh nung di na sila magkaintindihan ng talagang talaga. Umeksena na ako! Hahahahahahahaahaha!
“Wonini mueotingayo?” (Ano ba yung dahilan?)
GULAT NIYA!!!! HAHAHAAHAHAHA! Tulala siya dahil sa kaseksihan ko, este sa pag Hangul ko. Hahahahaaa! Pati yung mga andun nagulat din pero kunwari wala lang sakin, pero sa loob loob ko mamatay matay nako dahil sa kakiligan ko dun sa Koreano! Nakuha ko puso este loob niya! Hahahaahahahahahahahhaahahahahha! Salamat sa isang site dahil naalala ko yan.
Tapos usap kami, mejo di ko pa naintindihan pero pilit kong iniintindi para sa kanya dahil mahal ko siya. CHOS! HAHAHAHAHHAA
Eh di ayun, minsan englishan din. Ayun na translate ko naman ng maayos. Nakatulong din kahit papano. Charaught! Hahahahaha. Tapos naisip ko ung store, eh ung pumalit nga pala sakin eh hindi naman gano sanay dun. Eh di klangan ko talagang bumalik na. Grabe gusto ko pa nga sana tumambay dun eh. Hahahahaaha. Gusto ko pa siya makausap at makakwentuhan at magkaalaman ng pangalan at magkakuhanan ng number at makuha address niya sa Korea at pangalan niya. BWAHAHAHA! Pero wala eh, bumalik din ako agad sa store.
“Anyeonghi kyesayo!” (Goodbye!)
Tapos nag ba bye na din siya. Tapos lumabas na ko. Yung parang wala lang sakin. Tapos mukha akong gago na ngiti ng ngiti at kilig na kilig habang naglalakad pabalik dun sa store. Hahahahaha! Kakaloka. Sayang talaga, as in sayang.
Siya lang yung Koreano na di ko nakakwentuhan ng matagal. :(
(Kwento ko sa ibang araw yung mga nakakasalamuha ko na Koreano, sobrang dami ng eksena. Nagpaparamdam na talaga na dapat na ko pumunta ng Korea. Malapit naaaaaa.)
(Source: missmanhater)
(So, sa sobrang gigil ko pa din, naisulat ko yan. Nagsimula lahat ng yan dahil sa isang taong sira ang ulo..)
Nung isang araw, nasa office ako. Nag o-OJT kasi ako. Nakiusap Boss ko na kung pwede daw ba na dun muna ako sa Computer Store nila kinabukasan. May tindahan din kasi sila ng mga parts ng computer chuva ek ek, basta malaki yung store nila. May importante sila kasi gagawin kaya sakin nakiusap. Okay naman sakin kasi medyo close ko din naman si Boss, mabait kasi yun. Bali, pumayag nako. Bawas na din yun sa oras ng OJT ko, Hahahaha!
Edi pumasok nako kinabukasan, ako lang mag isa. Male-late daw kasi yung kasama ko. Eh di pagpasok ko, laking gulat ko na nag iba ayos ng mga nandun. Pati istante nawala yung isang salamin. Tapos tinawagan ko si Boss, sabi ginawa daw kasi yun nung kinagabihan. Bantayan ko na lang daw. Edi ayun, hapon na wala pa din kasama ko. May dalawang costumer na nagpunta, kakilala ko. Naupo muna sila. Tapos may isa pa ulit dumating, babae siya. Nagtanong tanong tungkol sa Router eklavu, edi sinagot ko. Tagal namin magkausap, basta dami niyang tinanong. Pero bandang huli, sabi niya babalik na lang daw siya. Edi bumalik nako sa may table ko. Tapos kinausap ko yung dalawang costumer na kakilala ko. Tinignan ko ulit yung istante, kasi talagang lagi kong tinititigan yun eh, dahil wala ngang salamin. WALANGHIYA! PAG KAKITA KO, BIGLANG WALA NA DUN YUNG NETBOOK! OO NETBOOK! NETBOOK LANG NAKALAGAY DUN! SIYET! 15K yun!
Eh eksakto, biglang dumating yung kasama ko. Dumating nung nanakaw na yung netbook! Eh di ayun. As in segundo lang nung nakakaw yung netbook. Parang naaninagan ko pa siyang walangyang babae siya na tatanong tanong pa ng router. Sabi din nung dalawang kakilala ko na akala sa babae mismo yung netbook, kasi nakita nila na hawak yun. Di nga naman halata na nakaw yun diba. Kasi hawak niya ng bonggang bongga na kunwari niya pang pinipindot pindot palabas ng store. Edi di nila pinansin, ayun nga, dun ko na hinabol. Bigla kong labas! Tengine! Hinanap ko agad kaso bilis mawala, edi yung guard dun sa 4th floor hinanap ko! Kaso WALA!
Edi baba ako, escalator na lang. Grabe! Para akong Action Star! Talagang kulang na lang gumulong ako dun pababa ng escalator tapos hinahawi hawi ko pa yung mga tao tapos yung ichura ko mukhang gagew lang na umiiyak talaga ako na para na kong baliw na madulas dulas pa ko dahil sa epal kong sandals, lahat talaga ginawa ko para makita lang yung hayup na sira ulo na babaeng yun. Tapos edi yun na. Nakarating nako sa Ground floor, tinimbrehan ko agad yung mga Guard dun, as in lahat ng pwedeng labasan ng hayup na yun. Edi ayan hanap hanap na, sinabi ko suot at ichura nung babae,
NA NAKA SHIRT NA PUTI NA MAY HALONG PINK NA MAHABA BUHOK NA MAY NAKASABIT NA CP SA LEEG NA NAKA MAONG NA SHORTS NA MATABA NA NAKAKADIRI NA NAKA SHORTS PA EH ANG DAMI NAMANG PEKLAT NA ANG TABA TABA NA BABOY NA ANG LAKI LAKI NAMAN NG HITA NA PANGET ANG PAGMUMUKHA TALAGANG PANGET NA PARANG 30+ Y/O SIYA!!!!!!
Yan sinabi ko, natatawa sila pero siyempre, grabe iba pa din. Takte di pa ko kumakain non mula nung umagahan kahit isang patak ng tubig wala pa ko naiinom, Ala singko na non, kaso wala pa din. Wala na kong pag asa. Sinabihan din ng mga guard dun yung nagbabantay sa Basement kaso wala pa din, ang bilis lang nung babae. pero kung sakaling nahuli yun?
SIYET LANG TALAGA! Wala na kong pakielam kung mag skandalo ako dun, pero BUBUGBUGIN KO SIYA NG BONGGANG BONGGA NA HAHATAKIN KO BUHOK NIYA AT INGUNGUDNGOD KO PAGMUMUKHA NIYA SA SAHIG O DINGDING HANGGANG DUMUGO MUKHA NIYA TAPOS PAGSISIPAIN KO SIYA SA BUONG KATAWAN PATI MUKHA TAPOS BABASAGIN KO LAHAT NG NGIPIN NIYA TAPOS EDI AYAN AAWAT AWAT MGA GUARD SAKIN PERO WALA AKONG PAKI, TALAGANG HAHATAWIN KO SIYA HANGGANG MAMATAY SIYA NA TALAGANG PASASABUGIN KO KATAWAN AT ULO NIYA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Waaaa! Totoo pala yung galit nakakapatay talaga. Grabee! 1st time nangyari sakin to. Di ko talaga inaasahan.
Tinawagan ko agad yung Boss namin, iyak talaga ako ng iyak. As in di ko na keri. Buti na lang mabait siya. Bumalik siya agad para makausap ako. Nagpunta kami pulis at pina-blotter yung babae. Umiiyak pa din ako. Kasi anong ipapalit ko dun? sana kung may trabaho na ko. Kaso wala, di naman ako mayaman na mag wi-withdraw lang agad tapos, tapos na. Wala namang sinasabi Boss namin na palitan ko yun pero siyempre ako nagbabantay dun at basta, alam mo yung feeling na ganun? Na ilang linggo na lang tapos kana sa OJT mo eh, pero baka ano basta, Gusto kong umalis sa OJT namin na walang issue o ano man, pero sabi niya nga na..
PERA lang yun, napapalitan yun, kinikita yun.
Pero iba pa din talaga. Di pa nga din alam ng Nanay ko eh, kasi sasabihin lang sakin non na, OJT ka lang bat andun ka? OJT ka lang bat nagbabantay ka? OJT ka lang bat wala kang kasama? OJT ka lang bat ikaw pinagbukas non? OJT ka at ang course mo eh tungkol sa Computer pero bat nandun ka at nagtitinda ka dun?
TENGINE. MAY KATWIRAN TALAGA EH KAHIT ANONG MANGAYARI. Haaaaaaay. Hirap lang. Sana yung mga nagnanakaw, inaalam muna nila yung kung sino maa-apektuhan. Manong nagnakaw siya nung yung Boss namin nagbabantay, at least, okay lang. Gets? At ngayon, kinakausap ko mga kaibigan ko na may kaya kahit papano at nanghihiram ako kahit tig 1K o 2K para lang mabayaran tong netbook na to. Nakakahiya man pero kelangan kong gawin.
OJT na nga lang, nanakawan pa. Tenginengyen.
Babalikan kitang baboy ramo kang babae kang magnanakaw ka. Karma karma na lang yan. BTW, di na Angel pangalan ko. Lels
(Source: missmanhater)